--Ads--

CAUAYAN CITY – Tatalakayin sa idaraos na 33rd North Luzon Area Business Conference ngayong taon ng Philippine Chamber of Commerce and Industry o PCCI North Luzon ang mga negosyong puwedeng makatulong sa mga magsasaka.

Ayon kay Atty Maria Amalia Tiglao-Cayanan, ang Area Vice President ng PCCI North Luzon, ilan sa nakita nilang sitwasyon ng mga magsasaka ay ang pagkasira ng kanilang mga ani dahil sa oversupply.

Halimbawa anya rito ay ang mga aning manga at iba pang prutas at gulay na nasira sa mga nakalipas dahil sa labis na tustos.

Dahil dito ay isa sa mga nakikita nilang magandang maipatayong negosyo ay ang mga food processing business nang maiwasan ang pagkasira at pagsayang ng mga ani ng mga magsasaka.

--Ads--

Isa rin anya sa kanilang nakitang magandang palaguin ay ang turismo sa mga magagandang tanawin sa Hilagang Luzon at ang sektor din ng enerhiya.