CAUAYAN CITY- Nagdulot ng alarma sa Lokal na Pamahalaan ng Barangay Dipusu sa San Mariano Isabela.
Ito ay dahil sa kumalat na post ng isang Netizen na humihingi ng saklolo mula sa mga rescuers dahil sa umanoy nararanasang baha sa kanilang lugar.
Ayon kay Kapitan Ronald Zalun na bago paman maranasan ang epekto ng Bagyong pepito ay agad silang nagsagawa ng paglikas kung saan naging prayoridad nila ang mga residenteng nakatira sa mababang lugar kung saan nasa tatlumpung katao ang nailikas.
Bilang hakbang ay nakatakdang pagpaliwanagin ang netizen na nag post ng naturang impormasyon kung saan isang Foreigner ang nag share dahil sa pag aakalang ito ay totoo.
Sa katunayan aniya bagamat talagang may pagbaha naman sa Barangay Dipusu subalit ang nag post na netizen ay hindi naman umano naabot ng baha.
Babala nila ngayon sa publiko na mag hinay hinay na pagbabahagi ng anumang impormasyon sa social media upang hindi magdulot ng pangamba sa publiko.