--Ads--

CAUAYAN CITY- Dinakip ang isang lalaki sa isinagawang drug buy bust operation sa Brgy. Calabayan Minanga, Angadanan, Isabela

Ang dinakip ay si Jaypey Gelacio, 29 anyos, may-asawa at residente ng Calaocan, Alicia, Isabela, isang bagong tukoy na nagbebenta ng illegal na droga.

Ang drug buy bust operation ay isinagawa ng Angadanan Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA region 2.

Nasamsam sa suspek ang dalawang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, isang disposable lighter, isang vape, isang vape fluid at dalawang limang daang pisong marked money

--Ads--

Ang suspek ay dinala sa Angadanan Police Station para sa kaukulang disposisyon.