--Ads--

CAUAYAN CITY – Arestado sa isinagawang drug buy bust ang isang vendor na newly identified drug personality sa Santiago City

Ang operasyon ay isinagawa ng regional at city drug enforcement unit, station 2 na pinamumunuan ni P/Chief Inspector Melanio Vinuray at intellgence branch ng Santiago City Police Office.

Ang inaresto ay si Jay-ar Martin, 30 anyos, residente ng Baptista Village, Calao East, Santiago City.

Bago siya nadakip ay nakatanggap ng impormasyon ang mga alagad ng batas na may bentahan ng droga sa purok 3, barangay Calaocan kaya nagsagawa sila ng operasyon sa nasabing lugar.

--Ads--

Naaresto si Martin sa isang abandonang bahay sa naturang barangay at nakuha sa kanyang pag-iingat ang isang heat sealed transparent plastic sachet at marked money.