--Ads--
Ang reel-and-real love team na sina Loisa Andalio at Ronnie Alonte ay muling nagbigay ng sorpresa sa kanilang mga tagahanga ngayong Pasko matapos ianunsyo na sila ay magiging magulang sa kanilang unang anak.
Sa isang video na ibinahagi noong bisperas ng Pasko, makikitang maalaga si Ronnie sa kanyang asawang si Loisa habang nakaupo ito sa tabi ng swimming pool, sabay halik sa kanyang baby bump.
Sa kanilang joint Instagram post, ibinahagi ng mag-asawa ang kanilang matinding emosyon para sa kanilang magiging anak, na tinawag nilang pinakamalaking biyaya sa kanilang buhay.
Matatandaang ikinasal sina Ronnie at Loisa noong nakaraang buwan matapos ang ilang taon ng kanilang relasyon.
--Ads--





