CAUAYAN CITY- Naabot na ng National Food Authority o NFA Cauayan ang kanilang target na palay procurement ngayong unang quarter ng 2024.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Aira Luy, Acting Warehouse Assistant ng NFA Cauayan sinabi niya na sa ngayon ay puno na ang kanilang warehouse dahil sa dami ng mga mga magsasaka na nagbenta sa kanila ng palay noong nakaraang cropping season.
Tinatayang nasa 20, 000 to 22,000 na sako ng palay ang naka-imbak sa kanilang bodega ngayon.
Higit na mas marami ito kung ikukumpara noong nakaraang taon na halos wala silang nabibiling palay dahil sa mataas ng presyo ng mga private traders.
Taong 2021 pa aniya noong huling naabot ng NFA Cauayan ang kanilang target procurement.
Umabot kasi sa 23-30 pesos kada kilo ang bili nila sa palay kaya naman maraming mga magsasaka ang nahikayat na magbenta sa kanila ng kanilang mga ani.
Dahil puno na ang kanilang warehouse sa cauayan, ay Warehouse naman sa NFA Luna ang kanilang pupunuin dahil mayroon pang kinakilangang 2,000 – 3,000 na bags bago nito maabot ang kanilang palay procurement.