--Ads--

Naghahanda na ang lahat ng bodega ng National Food Authority o NFA Isabela para sa palay procurement ngayong anihan ng palay sa Lalawigan.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay NFA Isabela Manager Maria Luisa Luluquisen, sinabi niya na on going ang pag issue ng mga palay sa miller contractor ng NFA kaya inaasahang magkakaroon na sila ng Warehouse storage spaces para bigyang daan ang delivery ng mga magsasaka ng palay ngayong anihan.

Sa kasalukuyan ay may 22 lots na ang NFA Isabela na kayang mag accommodate ng 22 thousand bags.

Nag umpisa na rin sila sa pag issue ng palay sa mga millers at may na issue na silang 3,000 bags kaya sa loob ng isang Linggo ay mababakante na ang isang area sa kanilang bodega at maaari na muli silang tumanggap ng mga ipro-procure na palay sa mga bodega sa Luna at Cauayan.

--Ads--

Puntirya nila na makapag deliver ng 40,000 bags o katumbas ng 4 lots hanggang sa ikalawang Linggo ng Abril.

Bukas naman ang mga bodega ng NFA na tumanggap ng play procurement sa Santiago City, Ramon, Isabela, Cabatuan, Isabela, Roxas, Isabela, Mallig, Isabela, Alicia, Isabela, Echague Isabela, at Gamu.

Halos lahat na aniy ng bodega ng NFa Isabela ay handang handa na para tumanggap ng palay delivery mula sa mga magsasaka.

Ang kasalukuyang Governmant buying price ay 24 pesos para sa dry, 18 pesos naman para sa sariwa na may moisture content na above 14-25 %.

Nakapag procure na sila ngayon ng 10,000 bags at para naman sa pagbebenta ng palay pangunahing kailangan ay ang RSBSA ID at Municipal certification na issued by the Municipal Agriculturist.