--Ads--

CAUAYAN CITY- Posible umanong magtaas ang National Foos Authority (NFA) ng presyo ng bigas sa mga susunod na buwan sa kapag naubos na ang kanilang imbak.

Sa ngayon ay naglalaro sa P27.00 hanggang P/28.00 ang presyo kada kilo ng bigas ng NFA.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni NFA Provincial Manager Evelyn Barroga, maaring umanong hindi magtagal ang mababang presyong ito dahil malapit nang maubos ang kanilang imbak na bigas at paparating na rin umano ang bagong batch ng NFA Rice.

Samantala, ang commercial rice lamang umano ang tumaas ng kaunti subalit hindi ito mai-uugnay sa ipinatupad na TRAIN LAW.

--Ads--

Paliwanag pa ni Manager Barroga, mataas kasi ang bili noong nakaraang anihan sa commercial rice at tradisyonal nang itinataas sa oras na nauubos ang suplay.