--Ads--

CAUAYAN CITY – Naghahanda na ang NFA Region 2 sa nalalapit na anihan ng palay sa lambak ng Cagayan.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Director Alwin Uy ng NFA Region 2 sinabi niya na nagsasagawa na ang NFA ng refresher course sa mga classifier tulad ng orrientation sa paraan ng pagsuri sa moisture content ng aning palay at kung paano ang pakikiharap nila sa mga magsasaka.

Inihahanda na rin ng NFA Region 2 ang kanilang mga bodega para sa nalalapit na anihan.

Aniya may mga magsasaka nang nagtutungo sa NFA upang magbenta ng kanilang inaning palay.

--Ads--

Target ng NFA Region 2 na makalikom ng mahigit anim na raang libong sako ng palay.

Ayon sa ilang traders at millers sa rehiyon malabong makabili sila ngayon ng maraming aning pakay dahil sa inaasahang pagdating ng rice import ng bansa.

Dahil kakaunti pa lamang ang nabibili ngayon ay nakakabili ng mataas na presyo ang mga traders at millers habang nasa 19 pesos naman ang magandang klase ng palay sa NFA.

Parehong proseso pa rin naman ang sinusunod ng NFA sa pagdedeliver ng mga magsasaka ng kanilang produkto sa mga bodega ng NFA.

Tatlong sangay na lamang ang mga buying stations ng NFA region 2 sa mga lalawigan ng Isabela, Cagayan at Nueva Vizcaya.

Hinikayat ng ahensiya  ang mga magsasaka na magbenta sa kanilang mga bodega basta maganda ang klase ng kanilang aning palay.

Ang bahagi ng pahayag ni Regional Director Alwin Uy ng NFA Region 2.