CAUAYAN CITY- Handang handa na ang National Food Authority sa pag papalabas ng NFA rice sa mga kadiwa stores sakaling ipatupad na ng Department of Agriculture ang National Food Emergency.
Bagamat ang pilot testing ng programa ay sa National Capital Region ay natitiyak ng NFA Region 2 na sapat ang stock ng bigas sa buong Cagayan Valley.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Atty. Rhic Ryan Fabian ang Regional Information Officer ng National Food Authority Region 2 sinabi niya na, naghahanda na sila para sa roll out o pagpapalabas ng stock na bigas sakaling ipatupad ng DA ang National Food Emergency.
Sa ngayon ay higit pa sa daily consumption ang buffer stock na bigas ng NFA Region 2 kung saan ang rice form ay humigit isang daan libong bags habang ang palay form naman ay nasa humigit kumulang isang milyong bags.
Sa ngayon ay ongoing na rin ang pagpapadala nila ng bigas sa metro manila na umaabot na sa 5000 bags.
Sa katatapos na pagpupulong kasama ang LGU ang initials na hakbang na gagawin para sa NFA rice procurement mula sa NFA ay pagbibigay ng letter kung saan ibebenta ng NFA ang bigas sa murang halaga na siya namang ibebenta sa Kadiwa stores sa labas.
Pinag aaralan na rin ngayon ng NFA Central office ang pagbuo ng listaha ng mga benipisyaryo ng murang bigas para matiyak na ito ay mapupunta sa mga labis na nangangailangan.