--Ads--

CAUAYAN CITY – Nanguna ang National Food Authority o NFA Region 2 sa  listahan ng mga rehiyon sa buong bansa na may pinakamalaking palay procurement para sa taong 2021.

Ito ay matapos na makabili ang NFA Region 2 ng 2.6 billion bags ng palay  na mas marami ng animnaraang libong bags noong 2020.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Rhic Ryan Lhee Fabian ang Information Officer-NFA Region 2, sinabi niya na napabilang rin sa number 1 spot ang NFA Cagayan habang nasa ikatlong pwesto naman ang NFA Isabela.

Sa kabila nito ay tuloy tuloy parin ang pagbili ng palay ng NFA Region 2 kung saan nanatili sa labing siyam na piso ang kanilang presyo sa bawat kilo ng palay maliban pa ito sa karagdagang dalawang piso o dalawang milyong piso na allotment mula sa pamahalaang Panlalawigan ng Isabela.

--Ads--

Ang mga nabiling palay ay kasalukuyan ng ginigiling ng NFA sa tulong ng mga private millers at ang ilang nagiling na palay ay naialok na sa ilang traders sa NCR.

Sa ngayon ang palay na nasa imbentaryo ng NFA Region 2  ay nasa 1 million bags pa at ang bigas ay nasa 91 thousand bags na maaaring tumagal hanggang dalawampu’t dalawang araw batay sa region wide  daily consumption rate na 34, 000 bags.

Ang bahagi ng pahayag ni Ginoong Rhic Ryan Lhee Fabian.