CAUAYAN CITY- Nagpaliwanag ang National Grid Corporation of the Philippines ( NGCP ) sa ukol sa tatlong araw na panaka nakang pagkakaroon ng hindi inaasahang pagkawala ng daloy ng kuryente sa kanilang nasasakupan.
Ayon ay Public Affairs Officer Lilibeth Gaydowen ng NGCP, sinabi niya na nag- trip off ang kanilang mga linya ng kuryente dahil sa pag-over heat sa kanilang mga transformer.
Anya may dalawang sanhi ng overheating ng mga transformer, una ay ang mataas na power demand na nadudulot ng pagtaas ng load na nasa loob ng transformer at pangalawa ang mainit na lagay ng panahon.
Dahil dito ay humihingi umano sila minsan ng tulong mula sa Isabela Electric Cooperative 2 sa pamamagitan ng manual load dropping sa ilang areas nito upang mawalan ng interruption.
Anya ang hakbang na manual load dropping ng ilang areas ng ISELCO 2 ay upang maiwasan ang tuluyang pag-overheat ng kanilang transformer na maaaring makaapekto sa labing isang bayan at isang syudad.
Anya, ang manual load dropping ng ilang nasasakupan ng ISELCO 2 ay upang mabawasan ang demand ng kuryente.
Nilinaw din ni Gaydowen na ginagawan na ng nila ng paraan upang mapalitan ang mga kagamitan ng NGCP na noon pang panahon ng National Power Corporation ( NAPOCOR ).
Naglagay na sila ng karagdagang cooling fan at pinalakas ang sprinkler system upang mabawasan ang init sa mga paligid ng mga transformer.
Anya, tuwing summer season o mainit na panahon lamang nila nararanasan ang nasabing aberya.
Umaasa ang NGCP na hindi na muling magkakaroon ng trip off sa linya ng kuryente.




