--Ads--

CAUAYAN CITY- Nanawagan ang pamunuan ng National Grid Corporation (NGCP) North Luzon sa mga mamamayan na magtipid ng kuryente ngayong panahon ng tag-init.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Gng. Melma Batario, Regional Communication and Public Affairs Department NGCP North Luzon na malakas ang pangangailangan ngayon ng kuryente dahil sa mainit na lagay ng panahon.

Kinakailangan anyang magtulungan ang mamamayan sa pagtitipid ng kuryente sa pamamagitan ng pag-off sa mga appliances na hindi naman ginagamit.

Sinabi pa ni Ginang Batario na palagian silang nagsasagawa ng routinary activities upang matiyak na ang kanilang mga transmission lines ay maayos.

--Ads--

Patuloy anya ang clearing sa kanilang trainsmission lines ngayong panahon ng tag-init.

Tinitiyak din nila na ang kanilang linya ay hindi maapektuhan ng mga nagaganap na grassfires.