--Ads--

CAUAYAN CITY – Binawasan ng pamunuan ng National Irrigation Administration Magat River Integrated Irrigation System o NIA-MARIIS ng 15% ang kanilang Irrigation Diversion Requirement upang ma-maximized ang paggamit ng tubig ng Magat Dam.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Eng’r. Gileu Michael Dimoloy, ang Department Manager ng NIA-MARIIS na ang kanilang hakbang ay dahil bumababa ang water elevation ng Magat dam na nasa 169.76 meters.

Sinabi niya na kapag tuloy-tuloy na walang pag-ulan ay tiyak na aabot sa critical level na 160-meter ang water elevation ng magat dam sa ikadalawampu’t dalawa ng Hunyo.

Kinakailangan na nilang bawasan ang Irrigation Diversion Requirement dahil wala nang pag-ulan upang makatipid ng tubig at ma-maximized ang paggamit ng tubig.

--Ads--

Hindi aniya dumating ang inaasahan nilang pagbuhos ng ulan ni Bagyong Betty at minimal lamang ang pumasok na tubig mula sa watershed areas.

Kapag umabot na sa Critical level ang water elevation ng magat dam na 160 meters above sea level ay hindi na dadaloy ang tubig na galing sa magat dam sa bahagi ng  Baligatan diversion Canal na nagtutustos ng tubig sa Cordon, Echague at sa Diffun, Quirino maging ang  Oscariz main Canal na nagtutustos ng tubig sa ilang bahagi ng Ramon at Santiago City.

Pinapayuhan nila ang mga magsasaka sa mga nabanggit na lugar na naghahanda pa rin ng kanilang mga punla na i-defer muna ang kanilang paghahanda upang hindi maabutan ng El Niño.