--Ads--

Inanunsyo ng National Irrigation Administration – Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS) na itinaas mula isang metro hanggang dalawang metro ang binuksang Spillway Gate No. 4 ng Magat Dam bunsod ng patuloy na pagpasok ng malaking volume ng tubig ulan mula sa Magat Watershed.

Ito ay bilang pag-iingat sa epekto ng bagyong “Emong” na patuloy na nagpapaulan sa hilagang bahagi ng Luzon.

Sa kasalukuyan, naglalabas ang Magat Dam ng 362 cubic meters per second (cms) ng tubig upang mapanatili ang ligtas na lebel ng tubig sa Magat Reservoir at upang makapaghanda sa karagdagang ulang maaaring idulot ng nasabing bagyo.

Pinag-iingat naman ng pamunuan ng NIA-MARIIS ang publiko, partikular ang mga nakatira malapit sa Cagayan River at mga downstream communities, sa posibleng pagtaas ng tubig sa ilog.

--Ads--

Pinapayuhan din ang lahat na maging alerto, i-monitor ang mga abiso ng lokal na pamahalaan, at agad na lumikas kung kinakailangan.