CAUAYAN CITY – Hinigpitan ang seguridad sa National Irrigation Administration-Magat River Integrated Irrigation System ( NIA MARIIS ) dahil sa natanggap na pagbabanta sa pamamagitan ng text messages.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan inihayag ni ni Eng’r. Wilfredo Gloria, Operations manager ng NIA MARIIS na nakahimpil sa Cauayan City na matapos ang pagbabantang natanggap na pambobomba o pagsunog sa kanilang tanggapan ay ipinag-utos niya na higpitan ang isinasagawang inspeksiyon sa loob at labas ng kanilang tanggapan.
Ang kanilang mga kawani ay inatasang maging alerto at mapagmatyag.
Kinansela naman ang isinasagawang sports activity pangunahin na ng table tennis sa kanilang compond ngayon araw
Tuloy pa rin ang transaksiyon sa nasabing tanggapan sa kabila ng pagbabantang natatanggap.
Nanindigan naman si Eng’r. Gloria na ipinapatupad na ang libreng irrigation service fee sa mga magsasaka at ang kanilang mga sinisingil ngayon ay ang utang ng mga magsasaka noong 2016 cropping, pababa.




