CAUAYAN CITY – Nakasalalay sa paggalaw ng Bagyong Maring ang isasagawang pagpapalabas ng tubig ng NIA MARIIS.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Carlo Ablan ng Magat Dam and Reservoir Division ng NIA MARIIS,sinabi niya na Patuloy nilang inaantabayanan ang magiging paggalaw ng bagyong Maring at Nando dahil sa posibilidad na pagsasanib ng dalawang sama ng panahon.
Aniya, bilang paghahanda mula pa noong araw ng lunes ay pinapagamit na nila sa power generating company ang inflow ng dam para mas mapababa pa ang water elevation nito .
Gayunman, kung hindi kakayaning mapababa ang antas ng tubig bago dumating ang bagyong maring at makaranas ng mga panaka nakang pag-ulan sa magat water shed ay magpapalabas sila ng tubig at bubuksan ang isang spillway radial gate ng isang metro.
Sa kasalukuyan ay nasa 250 cubic meter per second ang inflow, 311 cubic meters per second ang out flow at nasa 188.5 water level ng dam.
Sa ngayon ay maslakas ang out flow para sa power generation kumpara sa inflow ng tubig na nagmumula sa magat water shed.
Nakasasalay naman sa mamaging trak ni maring ang pagbabago ng ipapalabas na abiso ng NIA MARIIS partikular sa weather updates na ipapalabas ng PAGASA mula ngayong araw.
Ayon kay Engr. Ablan ang naturang mga hakbang ay batay sa abiso ng PAGASA dahi inaasahang magdadala ng malalakas na pag-ulan ang bagyo na nasa 75milimeter hanggang 100milimeter subalit nasa 50 milimmeter nalang ang kinakailangan ng Magat Dam para maabot ang critical level na 193 meters.
Nauna naring nagbigay ng abiso ang NIA MARIIS sa lahat ng mga LGU sa Lalawigan gayun din sa Lalawigan ng Cagayan na maaaring maapektuhan sa pagpapalabas nila ng tubig at pinag-iingat ang mga nag ooperate ng quariying sites na magtutungo sa magat river dahil sa inaasahang bahagyang pagtaas ng antas ng tubig.
Tiniyak naman niyang kakayanin ng Magat Dam na saluhin ang mga pag-ulan na maaring dalhin ng bagyong Maring sa loob ng tatlo hanggang limang araw.