--Ads--

Bubuksan ngayong alas diyes ng umaga ng National Irrigation Administration-Magat River Integrated Irrigation System o NIA-MARIIS ang isang spillway gate na may one meter opening bilang bahagi ng kanilang pre-emptive water releasing.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Edwin Viernes, Principal Engineer ng Flood Forecasting Instrumentation Section, sinabi niya na ang gagawin nilang pre-release ng tubig ngayong araw ay bilang paghahanda na rin sa nanaranasang pag-ulan sa magat water shed.

Sa katunayan aniya kulang kulang dalawang metro na lamang ang kulang pa maabot ang Normal high water level na 193 meters above sea level.

Mababarin aniya ngayon ang naggaamit na tubig sa aboitiz para sa power generation dahil kasalukuyan ang preventive maintenance na nag resulta sa bahagyang pagtaas ng antas ng tubig sa dam.

--Ads--

Magtatagal ang pre-emptive water releasing oras na magdagdag ng water utilization ng power generation company para makatulong sa pagbaba ng antas ng tubig.

Kasalukuyan din ang 2nd dry crop cut off kaya ang tubig ay idederekta ng NIA sa ilog.

Wala namang inaasahang malaking epekto ang gagawing water releasing ng Dam sa magat river gayunman pinag-iingat parin ang mga taong magtutungo sa ilog maging ang mga nagpapastol ng alagang hayop malapit sa tabing ilog.

Samantala kasalukuyan na ang land preparation para sa sampung libong ektaryang taniman na sakop ng NIA-MARIIS para sa 2nd dry cropping season.

Sakop nito ang MARIIS main canal partikular ang Division 2 at 4 maging Northern Luzon Canal sa bahagi ng Division 3 sa San Manuel Isabela.

Kasabay ng deklarasyon ng PAGASA sa pagtatapos ng La Nina ay posibleng magkakaroon rin ng pagbabago sa water releasing ng Magat dam para paghandaan naman ang wet cropping season.