--Ads--

CAUAYAN CITY – Simula sa ikawalo ng Mayo, 2023 ay magpapakawala na ng tubig sa mga irrigation Canal ang National Irrigation Administration-Magat River Integrated Irrigation System o NIA-MARIIS para sa wet cropping season.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Engineer Gileu Michael Dimoloy, Department Manager ng NIA-MARIIS na magpapadaloy sila ng tubig para sa wet cropping season.

Pinaalalahanan niya ang mga magsasaka na magtanim na kaagad upang bago sumapit ang mga malalakas na bagyo sa buwan ng Oktobre ay makapag-ani na sila.

Bukod dito ay pinayuhan din nito ang mga magsasaka na magtanim ng Drought resistance at madaling maaning variety dahil sa nagbabadyang El Niño sa buwan ng Setyembre.

--Ads--

Ang mauuna nilang patutubigan ay ang mga sakahan sa mga bayan ng Ramon, San Mateo, Alicia, Cabatuan at Santiago City at mahuhuli sa may bahagi ng Quirino – Burgos.

Dalawang Linggo simula sa ika-walo ng Mayo ang itatagal nang pagpapatubig sa mga sakahan.

Hiniling nila ang kooperasyon ng mga magsasaka na gamitin ng tama ang tubig sa kanilang sakahan at kapag natapos na  silang magpatubig ay isara ang pinagkukunan ng tubig para may magamit ang iba pang magsasaka.

Sa ngayon ang water elevation ng magat dam ay nasa 175 meters below rule curve at bago sila magpakawala ng tubig ay aabot ng 178 meters below rule curve.

Kahapon ng madaling araw  nag-shutdown na sila sa Power generation upang maayos ang kanilang pasilidad at paghahanda sa pagpapakawala nila ng patubig.