--Ads--

CAUAYAN CITY – Tapos na ang mga ginagawang maintenance at pagsasaayos sa Magat dam Reservoir at handa na sa pagpapatupad sa irrigation diversion requirement simula bukas, May 9, 2022.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Carlo Ablan, Acting Division Manager ng Dam and Reservoir Division ng NIA-MARIIS, sinabi niya na unang mapapatubigan ang mga irigasyon sa upstream at marami ang kailangang tubig para makargahan ang mga irrigation canal.

Ayon kay Engr. Ablan, 85 cubic meters per second (CMS)  ang pakakawalang tubig para sa main canal ng NIA MARIIS habang 20 cms papuntang division 3 sa San Manuel at Aurora, Isabela.

Ang mga papunta sa Santiago City-Quirino area ay 18 cms habang sa Oscariz, Ramon  main canal ay   4.5  cms.

--Ads--

Ayon kay Engr. Alban, pinaaga nila ang pagpapalabas ng tubig patungo sa mga irrigation canal para maiwasan na ang anihan ay panahon na ng pagtama ng mga bagyo.

Kapag nakapagtanim ang mga magsasaka ngayong Mayo ay aanihin nila ito sa buwan ng Setyembre bago ang buwan ng Oktubre na panahon ng mga bagyo.

Hiling niya sa magsasaka na makisama sa inilatag nilang cropping pattern para hindi maabutan ng mga bagyo.

Tiniyak ni Engr Ablan na sapat ang imbak na tubig sa Magat Dam na nasa elevation na  190 meters.