--Ads--

CAUAYAN CITY – Nag-umpisa na ang pagrelease ng patubig ng NIA-MARIIS sa mga unprogrammed areas nito para sa wet cropping season.

Matatandaang hindi kasama ang ilang sakahang sakop ng Baligatan Diversion Dam sa nakaprogram na mapatubigan ng NIA-MARIIS ngayong cropping season dahil sa naranasang El Niño.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Operation Chief Marian Antonio ng National Irrigation Administration-Magat River Integrated Irrigation System o NIA-MARIIS sinabi niya na nagsimula na silang magrelease ng patubig sa Balikatan Diversion Dam noong ikalabintatlo ng Hunyo.

Aabot na sa 3,025 na ektarya ng sakahan ang napatubigan sa bahagi ng Santiago City na ang nakaprogram na mapatubigan ay nasa labing isang ektarya.

--Ads--

Nasa 31 cubic meters per second naman ang ipinapalabas na patubig sa nasabing diversion dam upang mapatubigan ang mga sakop nitong sakahan ngunit sa ngayon ay nasa 25cubic meters per second pa lamang ang pinapalabas upang unahin ang nasa upstream portion ng dam at gradual na magdaragdag sa mga susunod na linggo.

Ito ay dahil kasalukuyan ang pagrekober ng water stockpile ang magat dam dahil sa nagdaang tagtuyot.

Sa ngayon ay nasa 179.77 meters above sea level ang elevation ng Magat Dam.

Inaasahan naman ng NIA-MARIIS na makakatulong sa mga magsasaka ang mga pag-ulang nararanasan sa lalawigan.