--Ads--

CAUAYAN CITY – Nagbawas ng gate opening ang pamunuan ng NIA-MARIIS dahil sa bahagyang pagbaba ng water inflow matapos ang pagtigil na ng mga pag-ulan sa magat watershed.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Gileu Michael Dimoloy ang Department Manager ng NIA-MARIIS sinabi niya na nagbawas na sila ng isang metro ng opening sa kanilang radial gate at spill way gate dahil sa bahagyang pagbaba na ng water inflow.

Sa ngayon tuloy tuloy ang assessment nila sa watershed ng dam para mamonitor ang mga mararanasang pag-ulan.

Puntirya ngayon ng NIA-MARIIS na mapababa pa ang antas ng tubig sa magat dam bilang paghahanda na rin sa La NiƱa o mga pag-ulan

--Ads--

Mahigpit ngayon ang pagbabantay ng NIA sa rainfall advisory ng PAGASA na siyang nagsisilbing batayan sa aasahang inflow o volume ng tubig na papasok sa dam.

Nilinaw naman niya na kaunting bahagdan lamang ang pinakakawalan nilang tubig sa Dam ang nakakaapekto sa antas ng tubig sa Cagayan River dahil ang tubig ng Dam ay dadaan muna sa Magat River gayunman pinag iingat parin ang mga nakatira malapit sa ilog o mga nagtutungo sa ilog.