CAUAYAN CITY – Nagdaragdag ngayon ang pamunuan ng National Irrigation and Administration o NIA-MARIIS ng kanilang mga warning stations sa kahabaan ng Magat River bilang paghahanda sa papalapit na panahon ng tag-ulan.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Carlo Ablan, ang Acting Division Manager ng Dam and Reservoir Division ng NIA-MARIIS sinabi niya na may tatlong stations silang ginagawa bilang upgrade.
Sa kasalukuyan ay mayroong dalawamput dalawang warning stations ang NIA MARIIS.
May bago rin silang gagawing aksyon sa pahirapang koordinasyon sa mga LGUs lalo na kap[ag walang kuryente at bilang solusyon dito ay gagamit na sila ng mga handheld communication radios na pwedeng makipatch in sa frequency ang mga LGUs upang sila ay maimpormahan din kapag nagpabatid ang NIA MARIIS pagpapalabas ng tubig sa dam.
Ayon kay Engr. Ablan kung sila ay mabibigyan ng lisensya para sa sarili nilang frequency ay mas mapapadali na ang koordinasyon sa mga ahensya o LGUs na maaapektuhan sakaling magrelease ng tubig ang dam.
Kasalukuyan din ang kanilang maintenance sa mga early warning systems, water level gauging stations at rain gauges sa upstream at downstream ng Magat Dam.
Maliban dito ay mayroon din silang binago o in-update sa kanilang protocol tulad ng mula sa 6 hours ay ginawang 24 hours bago ang pre-release ay naabisuhan na ang mga stakeholders sa ibabang bahagi ng dam.
Isa pang karagdagan sa protocol ay ang acknowledgement ng mga LGUs sa mga aerly warnings na ipinapasa ng NIA upang alam nilang natanggap na mga LGUs ang warning.
Ayon kay Engr. Ablan ang mga upgrade na ito ay paraan lamang upang mabawasan ang impact kapag nagrelease ng tubig ang dam at kailangan aniya ang pakikipagtulungan ng bawat LGUs, ahensya at mamamayan upang maiwasan na ang mga hindi magandang maidudulot ng dam tuwing nagpapalabas ng tubig.