Pinag-aaralan ng National Irrigation Administration – Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS) na gawing isang metro ang opening ng isang spillway gate sa Magat Dam.
Sa ngayon kasi ay nananatiling nakabukas ang isang spillway gate nito na mayroon lamang kabuuang opening na 0.5 meters.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Gileu Michael Dimoloy, Department Manager ng NIA-MARIIS, sinabi niya na sa ngayon ay nasa 184.06 meter above sea level ang water elevation ng dam at malayo pa ito sa spilling level na 193 masl.
Gayunpaman, target nilang pababain o I-maintain ang kasalukuyang antas ng tubig bilang paghahanda sa mga pag-ulang dala ng bagyong Nando.
Bagaman hindi pa gaanong ramdam ang epekto ng bagyo ay mayroon na aniyang mga pag-ulang nararanasan sa magat watershed lalo na sa hapon at gabi gaya tuloy-tuloy ang ginagaw nilang pagpapakawala ng tubig.
Nilinaw naman ni Dimoloy na maliit lamang ang epekto sa Magat River ang pinapakawalan nilang tubig sa Magat Dam.











