Target ng Pamunuan ng NIA-MARIIS na mas lalo pang ibaba ang water elevation ng Magat Dam.
Ito ay bilang paghahanda sa mga pag-ulang dala ng bagyong Leon na makakaapekto sa Magat Water Shed.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Gileu Michael Dimoloy, Department Manager ng NIA-MARIIS, sinabi niya na hindi nila ititigil ang pagpapakawala ng tubig hangga’t hindi nakakaipon ng sapat na espasyo ang magat reservoir para I-accommodate ang volume ng tubig-ulan na dala ng bagyo.
Tiniyak naman niya na mas bababa pa ang antas ng tubig ngunit minimal lamang ito kaya naman pinag-aaralan nila sa ngayon ang pagdaragdag ng papakawalang tubig.
Minomonitor naman nila sa ngayon ang track ng bagyong Leon at kung sakaling mahagip man nito ang Magat Water Shed ay mas lalo pa nilang ibaba ang elebasyon ng tubig sa dam.