--Ads--

CAUAYAN CITY- Planong magkaroon ng Third Cropping season ang National Irrigation Administration – Magat River Integrated Irrigation System o NIA-MARIIS.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Gileu Michael Dimoloy, Manager ng NIA-MARIIS, sinabi niya na bagama’t September pa sila nagsimulang magpatubig para sa cropping season ay marami pa ring mga magsasaka ang nagpahuli sa pagtatanim.

Gusto kasi aniya ng ilan na maitaon ang anihan sa buwan ng Marso o Abril kaya buwan ng Disyembre nagsisimulang magtanim ang ilan.

Dahil dito ay target naman nilang magpatuloy sa pagpapatubig hanggang sa buwan ng Abril bilang konsiderasyon sa mga nahuling nagtanim at upang mapakinabangan ang mga tubig na tinatapon lang sa mga ilog.

--Ads--

Samantala, kasalukuyan pa rin naman sa ngayon ang isinasagawang repair sa ilang mga irrigation canals na napinsala dahil sa magkakasunod na mga bagyong tumama sa lalawigan.