--Ads--

CAUAYAN CITY- Target ng pamunuan ng National irrigation Administration – Magat River Integrated Irrigation System o NIA-MARIIS na pababain ang water elevation ng Magat Dam.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Carlo Ablan, Manager ng Dam and Reservoir Division, sinabi niya na sa ngayon ay nasa 188.39 meters abose sea level na ang water elevation ng Dam at malapit na ito sa spilling level nito na 190 meters above sea level.

Mas maliit pa rin naman sa ngayon ang water outflow ng dam na 763.78 cubic meters per second kung ikukumpara sa Inflow nito na 2,016cms.

Dahil dito ay nakabukas ngayon ang isang spillway gate ng dam na may dalawang metrong opening.

--Ads--

Umabot kasi sa 85% ang water inflow ng dam na na-accommodate nito dulot ng mga pag-ulang dala ng bagyong Nika kung kaya’t kinakailangan nila pababain ang water level nito bilang paghahanda na rin sa paparating na bagyong Ofel.