--Ads--

CAUAYAN CITY – Sinimulan na ng NIA-MARIIS ang rehabilitasyon sa kanilang mga kanal bilang paghahanda sa nalalapit na water release sa ikadalawampu’t apat ng Mayo.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Eng’r. Josue Sabio, Acting Department Manager ng NIA-MARIIS sinabi niya na habang wala pang water release ay sinasamantala nila ito para sa rehabilitasyon ng kanilang mga kanal kung saan nagsasagawa na sila ng concrete canal linning sa ilang  piling kanal at pagpapalit ng mga system gate sa mga sirang control points.

Aniya, alinsunod ito sa kanilang year development plan na sinusunod kung saan magkakaroon ng rehablitasyon  ang mga eroded irrigation canal at pinapalitan mga kinakalawang na system gates sa ilalim ng General Appropriations Act  projects.

Matatandaan na una nang nakipag-pulong ang NIA-MARIIS sa system mangement committee noong ika-labing tatlo ngayong  Abril at naitakda ang early release schedule sa ika- dalawampu’t apat ng Mayo sa MARIIS main canal, North Main Canal at South Main  Canal.

--Ads--

Aniya ang dating schedule ay sa unang linggo ng Hunyo gayunman mas pinaaga nila ito ngayong taon para miawasan ang maulan na buwan sa pag-aani ng mga magsasaka.

Bagamat wala pang kahilingan ang mga magsasaka ay nagpagpasyahan nila ito upang maiwasan ang harvesting season sa buwan ng setyembre at oktubre.

Ayon kay Engr. Josue aasahan na magtutuloy-tuloy na ang irrigation release hanggang matapos ang kasalukuyang cropping season.

Ang bahagi ng pahayag ni Engr, Josue Sabio.