CAUAYAN CITY– Tiniyak ng National Irrigation Administration Magat River Integrated Irrigation System (NIA-MARIIS) na above normal level ang kasalukuyang antas ng tubig sa Magat Dam at kayang tustusan ang mga taniman ngayong cropping season.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Eng’r. Gileu Michael Dimoloy, ang Department Manager ng NIA-MARIIS na kakayanin pa ng Magat dam na makapagpalabas ng tubig sa loob ng dalawang taon na walang pag-ulan bago ito bumaba sa below normal.
Siniguro naman niya na posibleng mapunan pa rin ang pinakakawalang tubig ng dam dahil batay sa forecast ng PAGASA na makakaranas ng mga pag-ulan sa mga susunod na araw.
Kung sakali man aniyang umabot na sa critical level ang antas ng tubig sa dam dahil sa El Niño ay nakapagrequest na sila ng 15 million pesos na pondo para sa gagawing cloud seeding.
Muling pinaalalahanan ang mga magsasaka na ipaseguro ang kanilang mga pananim para mapaghandaan ang nagbabadyang tagtuyot.
Samantala, tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na nakahanda na ang mga sakahan at mga irigasyon para sa nakatakdang pagpapakawala ng tubig ng Magat dam sa May 8, 2023.