CAUAYAN CITY – Tiniyak ng National Irrigation Administration Magat River Integrated Irrigation System (NIA MARIIS) na sapat ang tubig ng magat dam at kakayanin pang mapatubigan ang mga sakahan hanggang sa buwan ng Marso sa kabila ng El Niño na nararanasan sa ilang lugar sa bansa.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Engr. Gileu Michael Dimoloy, Deparment Manager ng NIA-MARIIS na bumaba ang tubig sa Magat Reservoir bunsod ng El Niño dahil hindi na nakakaranas ng pag-ulan ngayong buwan ng Pebrero.
Gayunman, kahit mababa ang elebasyon ng tubig ngayon ay kaya pa ring masuplayan ang patubig para sa mahigit 90,000 ektarya na sakahan.
Dahil 3,000 na ang nakapag-ani at 24,000 naman ang nasa terminal drainage, ngayon ay mayroon pang 61,000 hectares ang kailangang suplayan ng tubig hanggang Marso para maitawid ang dry crop season.
Sa ngayon ay nakikita naman ng National Irrigation Administration na sapat ang patubig ngayong cropping season at ang cut-off sa pag supply ng tubig ay posible sa ika-15 o ika-20 ng Marso.
Tinig ni Engr. Gileu Michael Dimoloy.