--Ads--

CAUAYAN CITY –  Mula sa lalawigan ng Kalinga ang mahigit isang libong board feet ng mga nilagareng narra na nasamsam ng mga otoridad sa barangay Rizal, Roxas, isabela

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni PMaj Rassel Tuliao, hepe ng Roxas Police Station na agad silang tumugon nang maiparating sa kanila ang impormasyon hinggil sa mga ibinabang kahoy sa Sitio Ragsakan, Barangay Rizal.

Nasamsam nila ang 36 na piraso na nilagareng narra  na 1, 148 board feet at may halagang 206, 640 pesos.

Hindi na nila nadatnan ang van na nagbaba sa mga nilagareng kahoy at mabilis ding tumakas ang nadatnan nilang lalaki  sakay ng kanyang motorsiklo  ngunit nakilala nila na si Joseph Macoy na residente ng Rizal, Roxas, Isabela.

--Ads--

Ayon kay Police Major  Tuliao, lumabas sa kanilang  pagsisiyasat na ang mga sawn lumber ay ay galing sa Kalinga at dinala sa barangay Rizal dahil may bumili sa mga ito.

Ang pahayag ni PMaj Rassel Tuliao