CAUAYAN CITY- Nilagdaan na ni Governo Faustino Dy III ang executive order number 32-2017 na naglalayong pagbawalan ang lahat ng mga sasakyan na pumasok o bumagtas sa ginagawang Ilagan-Divilacan Road Rehablitation Project.
Ang nasabing kautusan ay Magkakabalikat na ipapatupad ng Provincial Engineering Office, Project Monitoring Committee, Provincial Program Management and Implementing Units, Pancho Construction Incorporated at Public Safety Unit .
Tanging ang mga motorsiklong service ng mga trabahador at mga heavy equipment ng mga kompanyang gumagawa ang papayagang bumagtas sa ginagawang Ilagan-Divilacan Road Rehablitation Project.
Ang pamahalaang Panlalawigan ng Isabela ang nagpapatupad ngayon ng Ilagan-Divilacan Road Rehablitation and Improvement Project bilang banner infrastructure project ng Provincial Government na siyang magkokonekta at magbubukas sa mga coastal towns ng Dinapigue, Divilacan Palanan at Maconacon, Isabela
Sa kasalukuyan ay ginagawa na ang mga tulay at mga rip raps na kasali sa Ilagan-Divilacan Road Rehablitation and improvement project at ito ay sinimulan noong unang bahagi ng 2016.
Nilagdaan ng Punong-Lalawigan ang executive order number 32-2017 makaraang makatanggap ng mga ulat na may mga nagaganap na aksidente at road safety problems sa kahabaan ng ginagawang Ilagan-Divilacan Road Rehablitation dahil sa mga apuradong motorista.
Habang ang ilan naman ay nais lamang masubukan ang lakas ng kanilang all-terrain na mga sasakyan.
Mayroon din umanong malalaking truck na palihim na nagpupuslit na mga yantok at iba pang forest products mula sa Sierra Madre patungong kapatagan ng Isabela.




