CAUAYAN CITY- Patuloy na pinaiigting ng Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang kampanya laban sa mga krimen na may kaugnayan carnapping at motornapping.
Matagumpay na nabawi ang isang nakaw na Honda TMX motorcycle na may plate number B470CT sa Isabela.
Ang operasyon ay isinagawa ng Regional Highway Patrol Unit 2 (RHPU 2) sa Barangay Victoria, Alicia, Isabela.
sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. Rey Sales ng HPG Isabela, sinabi niya na sinimulan ang operasyon matapos makatanggap ng ulat mula sa may-ari ng motorsiklo, na nagsabing nawala ito noong Enero 11, 2025, habang nakaparada nang walang bantay sa Barangay Victoria, Alicia, Isabela.
Ayon sa mga nakuhang impormasyong na HPG Isabela na residente ng isang barrio ang suispek at may-ari gayundin na may ilang saksi na nakakita sa suspek nang tangayin ang motorsiklo.
Naging malaking tulong din ang mga nakalap nilang CCTV footage na naging daan para positibong kilalanin ng biktima ang suspek.
Agad na umaksyon ang mga operatiba ng at nagsagawa ng follow-up investigation, na nagresulta sa matagumpay na pagtunton at pagbawi ng nakaw na motorsiklo.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng HPG Isabela ang suspek at ang nabawing sasakyan para sa karagdagang imbestigasyon.
Samantala, isang kaso para sa paglabag sa R.A. No. 10883 (New Anti-Carnapping Act of 2016) ang isinampa laban sa suspek.









