CAUAYAN CITY – Sa pamamagitan ng social media o sa facebook, nabawi sa bayan ng Aurora ang isang motorsiklong tinangay noong kasagsagan ng pagdiriwang ng Gawagaway-yan Festival ng Cauayan City.
Ipinasakamay ng isang Darwin Martines,28 anyos, may-asawa at residente ng Brgy.Sta. Rosa, Aurora, Isabela sa Aurora Police Station ang isang MIO sporty motorcycle na may plakang BZ 70343 matapos malaman na karnap ang ginamit na motorsiklo ng kanyang kapatid na si Bryan Martinez.
Una rito, nakita ni Darwin sa facebook ang hinggil sa pagkakatangay ng nasabing motorsiklo noong April 12, 2018 sa kasagsagan ng pagdiriwang ng Gawagaway-yan Festival ng lunsod ng Cauayan.
Ang nasabing motorsiklo ay nakitang ginamit ng kanyang kapatid na si Bryan na kalaunan ay inaming ito’y tinangay o kinarnap ni Paulo Quijon, 19 anyos at residente ng brgy. Sta.Rosa, Aurora, Isabela.
Ang suspek si Paulo Quijon at ang sasakyan ay nasa pangangalaga na ng Cauayan City Police Station matapos ipagbigay alam sa kanila ng Aurora Police Station.




