--Ads--
CAUAYAN CITY – Dinakip ng Solano Police Station ang number 1 most wanted person sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, ang akusado ay 27-anyos, salesman, at residente ng San Juan, Solano, Nueva Vizcaya.
Sa isinagawang operasyon ng mga kasapi ng Solano Police Station, ang lalaki ay inaresto sa bisa ng mandamiyento de aresto dahil sa kasong panggagahasa.
Ang akusado ay dinala na sa himpilan ng pulisya para sa dokumentasyon bago ipasakamay sa court of origin.
--Ads--
Wala namang inirekomendang piyansa para sa pansamantala nitong kalayaan.
Patuloy ang paghimok ng Solano Police Station sa mga mamamayan na makipagtulungan at suportahan ang Anti-Criminality Campaign ng PNP para sa isang ligtas at mapayapang komunidad.