--Ads--

CAUAYAN CITY- Inaresto ng mga otoridad ang tinaguriang No. 1 Municipal Most Wanted Person sa kasong Statutory Rape sa Brgy. Cadsalan, San Mariano, Isabela.

Sa nakuhang imporasyon ng Bombo Radyo Cauayan sa Isabela Police Provincial Office kinilala ang suspek na si  alyas “Ingklong”.

Matagumpay na nahuli ang akusado sa pinagsanib na pwersa ng mga kapulisan ng PNP Isabela sa bisa ng Warrant of Arrest na inilabas noong ika-11 ng Hunyo para sa dalawang bilang o 2 counts ng statutory rape na walang inirekomendang  piyansa  para sa kanyang pansamantalang kalayaan.

Dinala sa himpilan ng San Mariano Police Station para sa dokumentasyon at maayos na disposisyon bago iturn-over sa korteng pinagmulan.

--Ads--