--Ads--

Number 1 Municipal Top Most Wanted Person (TMWP) ang matagumpay na naaresto ng Alicia Police Station matapos ipatupad ang isang Warrant of Arrest kaugnay ng mga kasong Sexual Assault in relation to section 5(B) at Acts of Lasciviousness under Article 336 ng RPC na may kaugnayan sa section 5(B) na saklaw ng RA 7610 o Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.


Kinilala ang akusado bilang si alias “Dax,” 19 taong gulang, binata, at residente ng Brgy. Aurora, Alicia, Isabela.


Ang operasyon ay pinangunahan ng Alicia Municipal Police Station (Lead Unit) katuwang ang PIU/DEU, 2nd IPMFC, RIU2-PIT Isabela East, at 205th MC RMFB2, bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa mga wanted persons at krimen laban sa kabataan.


Ang nasabing warrant ay inisyu noong Enero 9, 2026 ng Presiding Judge ng RTC Branch 20, Cauayan City, Isabela, at may kaukulang piyansa na ₱180,000.00 para sa kasong Sexual Assault at ₱60,000.00 para sa kasong Acts of Lasciviousness.

--Ads--


Matapos ang pag-aresto, ipinaalam sa akusado ang kanyang mga karapatang konstitusyonal alinsunod sa Miranda Doctrine. Siya ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Alicia Municipal Police Station at ihaharap sa hukuman na nag-isyu ng warrant.