--Ads--

CAUAYAN CITY – Arestado ang number 10 PNP Regional Priority Target sa ikinasang drug buy bust operation ng mga otoridad sa Calamagui 2nd, City of Ilagan.

Ang pinaghihinalaan ay si Angelo Gonzales, 30-anyos at residente ng nabanggit na barangay.

Sa pinagsanib na pwersa ng mga kasapi ng City of Ilagan Police Station sa pangunguna ni Pltcol. Virgilio Vi-con Abellera Jr., PDEA Region 2, Regional and Provincial Drug Enforcement Unit at Masa Masid ay nahuli sa aktong pagbebenta ng iligal na droga ang pinaghihinalaan.

Nasamsam sa pag-iingat ng pinaghihinalaan ng nagpanggap na posuer/buyer ang isang sachet ng hinihinalang shabu, P1,000 na drug buy bust money, dalawang coin purse na naglalaman ng ilang libong piso, isang cellphone at isang kulay itim na motorsiklo.

--Ads--

Bukod sa pagiging Regional Priority Target ng PNP ay kabilang din si Gonzales sa Target list ng City of Ilagan Police Station, PDEA Region 2 at OPLAN ILAG ng IPPO.

Mariin namang itinanggi ng pinaghihinalaan na sa kanya ang nakuhang droga dahil mahigit isang taon na umano siyang tumigil sa paggamit ng iligal na droga.

Ito ay matapos na makalaya sa mahigit isang taong pagkakakulong dahil sa pagkakasamsam sa kanya ng pinatuyong dahon ng marijuana.

Dagdag pa niya na dalawang beses na umano siyang sinet-up ng mga otoridad.

Tinig ni Angelo Gonzales.