CAUAYAN CITY- Tuluyan nang napasakamay ng PNP ISABELA ang isang lalaki na No.10 Regional Topmost Wanted Person sa kasong Rape na naaresto sa Brgy. District 2, Benito Soliven, Isabela.
Ang suspek ay kinilala na si alyas “Ryan” nasa hustong gulang at residente ng nasabing lugar.
Ang nasabing operasyon ay pinangunahan ng kapulisan ng Benito Soliven Police Station katuwang ang PIDMU-IPPO, PIU-IPPO, RIU-PIT Isabela East at 201st Mobile Company ng RMFB2 at matagumpay na naaresto ang nabanggit na suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ng isang Presiding Judge RTC Branch 16, 2nd Judicial Region, City of Ilagan, Isabela noong Hulyo 10, 2023 at walang inirekomendang piyansa para sa kasong nabanggit.
Kaagad na inimpormahan ang suspek sa kaniyang mga karapatan batay sa nakasaad sa Miranda Doctrine, at ito ay kasalukuyang nasa pangangalaga ng himpilan Benito Soliven bago ipasakamay sa court of origin.