--Ads--

CAUAYAN CITY– Ipinanukala ng Cauayan City Police Station sa Sangguniang Panglunsod na ipatupad ang “no helmet policy” dahil sa mga sunod sunod na na pamamaril at pagpatay sa kalunsuran.

ito naman ay tinanggap ng mga kasapi ng Sangguniang Panlunsod ng Cauayan City sa kabila na may umiiral na ordinansa na pagsusuot ng helmet.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni P/Supt. Kevin Bulayungan, hepe ng Cauayan City Police Station na kapansin pansin na ang mga suspek sa mga nagaganap na pagbaril at pagpatay ay mga riding in tandem criminals na nakasuot ng helmet.

Ito aniya ang nakikita niyang paraan upang makita ang mukha ng mga suspek na sakay ng motorsiklo.

--Ads--

Anya, inihain niya ang panukala sa Sangguniang Panlunsod upang mapag-aralan at walang malabag na batas.

Kanya pang sinabi na mayroong ilang lugar sa bansa na ipinagbabawal ang pagsusuot ng helmet upang masugpo ang krimen sa kanilang nasasakupan.