Naging mapayapa at walang anumang kaguluhang naitala sa isinagawang malawakang kilos protesta sa America bilang pagkundina sa kasalukuyang administrasyon ni Donald Trump.
Inihayag ni Bombo International News Correspondent Tess Galabay Shiner mula San Francisco, sa unang tingin ay aakalaing Halloween party lamang ang ginagawang “No Kings Rally” sa Estados Unidos dahil sa iba’t ibang costume na suot ng mga lumahok.
Ilan sa mga issues inihahayag ng mga protesters ay ang January 6 riot, Immigration Deportation, Abortion at ang layoff ng Federal Employees kung saan hindi na nakakatanggap ng sahod ang mga empleyado ng gobyerno.
Kasabay nito, nanawagan din ang ilan na buwagin ang Immigration and Customs Enforcement (ICE) agency sa gitna ng umano’y marahas na kampanya ni Trump laban sa mga imigrante.
Hangang sa kasalukuyan wala pang opisyal na tugon dito si US Pres. Trump gayunman tinawag ni House Speaker Mike Johnson ang naturang aktibidad bilang isang “Hate America rally,”











