--Ads--

Patuloy na ipinapatupad ang No Plastic policy sa Bayan ng San Mateo, kung saan maraming mga negosyante sa dry good section maging mga vegetable vendor ang gumagamit ng lumang diyaryo o papel para sa mga pinamili ng kanilang mga customers.

Batay sa mga negosyante ang mahuhuling lalabag sa ordinansa ay mapapatawan ng limang daang pisong multa.

Ayon sa ilam mas mahal ang diyaryo kaysa sa plastic subalit wala silang magawa dahil sa ayaw nilang mamulta at lumabag sa ordinansa.

Inihayag ni Gemma Lampitoc maging silang vegetable vendor ay gumagamit ng diyaryo.

--Ads--

Aniya, madalas na naiirita ang mga bumibili dahil sa madalas napupunit ang lalagyan kaya para maiwasan ang dagdag gastos pinapayuhan ang mga mamimili na magdala ng sariling eco bag.

Nakasaad sa ordinansa na ang mga gulay na may bnigat na limang kilo pataas lamang ang pinapayagan na mailagay sa plastic bags.