CAUAYAN CITY– Ipinatutupad na ng pamahalaang panlalawigan ng Isabela ang “no sail, no fishing at no swimming policies” sa buong lalawigan pangunahan na sa mga costal towns ng Divilacan, Dinapigue, Palanan at Maconacon.
Nangangahulugan na mahigpit nang ipinagbabawal ang paglalayag sa karagatan upang mangisda sa north at eastern seaboards ng pacific ocean.
Ito ay kaugnay pa rin sa bagyong Maring na tumama sa kalupaan ng Mauban, Quezon kaninang umaga na nagdadala ng pag-ulan.
Patuloy naman na minamonitor ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ang apat na coastal town lalo na sa lagay ng karagatan.
Ang lahat ng overflow bridges sa Isabela ay maaaring madaanan ng anumang uri ng sasakyan maliban na lamang sa mga dati nang hindi madaanan.
Binigyan na ng pamahalaang Panlalawigan ng Isabela at Local Government Unit ng relief Packs ang mga mangingisda at agta na naapektuhan sa ipinapatupad na “No sail no fishing policy”.




