CAUAYAN CITY- Tuloy tuloy ang paghahatid ng tulong ng Philippine Coast Guard sa mga apektadong indibidwal sa mga lugar na sinalanta ng Bagyong Marce.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay CG Ens. Ryan Joe Arellano ang tagapagsalita ng Coast Guard District Northeastern Luzon sinabi niya na ang Coast Guard Station Cagayan ang nanguna sa evacuation sa Aparri at Sta. Ana, Cagayan.
Tuloy tuloy rin ang paghahatid nila ng tulong sa mga residenteng naapektuhan ng Bagyong Marce sa Sta. Ana.
May 50 personnel din silang itinalaga sa Cagayan.
Samantala, maging ang sub-station ng Coast Guard Sta. Ana ay napinsala rin ng Bagyong Marce matapos na matanggal ang bubungan ng knailang gusali dahil sa malakas na hanging dinala ng bagyo.
Nanatili namang ipinagbabawal ng PCG ang pagpalaot o no sail policy para sa kaligtasan ng mga mangingisda.