Umiiral pa rin ang “No Sail Policy” sa ilang lugar na sakop ng Coast Guard District Northeastern Luzon dahil sa binabantayan paring sama ng panahon na Tropical Storm Danas dating bagyong Bising na kasalukuyang tinutumbok ang Taiwan Strait.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay CG Ens Ryan-Joe Arellano ang tagapagsalita ng Coast Guard District Northeastern Luzon, sinabi niya na nakataas parin ang “no Sail Policy” kung saan hindi pianhihintulutan ang anumang sasakyang pandagat na pumalaot o maglayag.
Sa ngayon ay naka alerto ang Coast Guard Batanes at maagap na nakikipag-ugnayan sa mga LGU at MDRRMO’s para bantayan ang mga mangingisda sa kanilang nasasakupan.
Nagsagawa narin sila ng foot patrol at tinulungan ang mga mangingisda na isampa sa dalampasigan ang kani kanilang mga bangka para hindi maanod dahil sa masungit at malalakas na alon sa karagatan ng Batanes na may 1 to 4 meters ang taas.
Sa ngayaon walang naitalang casualty at anumang untowards incident sa Couast Guard Substation sa Batanes, Calayan, Isabela at Aparri dahil sa kasalukuyang epekto ng habagat at Tropical Storm Danas.











