--Ads--

CAUAYAN CITY – Mahigpit nang ipinapatupad ang no sailing policy sa karagatang sakop ng Coast Guard District Northeastern Luzon dahil sa bagyong Goring.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Coast Guard Ensign Jesa Pauline Villegas, information officer ng Coast Guard District Northeastern Luzon na nag-activate na sila ng deployable response group sa lahat ng unit at station sa kanilang nasasakupan.

Nakahanda na sila sakali mang may kailangang ilikas at mangailangan ng maritime assistance.

Mahigpit na ring ipinapatupad ang no sailing policy sa karagatan at nagsasagawa na rin sila ng paalala sa mga mamamayan na mahigpit na ipiagbabawal ang pagpalaot sa dagat tuwing may bagyo.

--Ads--

Hanggang kagabi ay mataas na ang pag-alon na nararanasan sa karagatan ng Cagayan.

Nanawagan siya sa publiko lalo na sa mga nakatira sa coastal areas at sa mga malapit sa ilog na huwag nang pumalaot para maiwasan ang insidente ng pagkalunod.

Samantala, patuloy ang paghahanap sa apat na PCG personnel na nawala sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Egay.

Sa ngayon aniya ay foot at mobile patrol ang isinasagawa muna dahil sa hindi magandang lagay ng dagat.

Hindi naman sila nawawalan ng pag-asa sa paghahanap.

Tinig ni Coast Guard Ensign Jesa Pauline Villegas.