--Ads--

CAUAYAN CITY – Umaasa ang North Luzon Transport Cooperative (Noltransco) na mabibigyan ng pansin sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte ang PUV Modernization Program.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Ginoong Daniel Gaffud, chairman ng Noltransco na maraming driver at operator ang maghihirap kung hindi mabibigyan ng pansin ang modernization program sa UV Express.

Aniya, hindi nila idadaan sa rally o transport strike ang kanilang kahilingan kundi pag-aaralan nilang mabuti at makikipag-ugnayan sila sa pamahalaan.

Isinasaalang-alang kasi nila ang kapakanan ng kanilang 475 na miyembro at mga pasahero.

--Ads--
Ang tinig ni Noltransco Chairman Daniel Gaffud