--Ads--

CAUAYAN CITY- Namahagi ng non-motorized fishing boat ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources o BFAR Isabela sa tatlong barangay sa bahagi ng Forest Region, Cauayan City, Isabela.

Ito ay kinabibilangan ng Brgy.  Sinippil, Baculod at Villa Concepcion na pawang mayroong mga water impounding sa kanilang mga brgy.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Gerico Gibe, Provincial Fishery Officer ng BFAR Isabela,  sinabi niya na ang tatlong barangay ay nakarehistro sa Fish Registration ng BFAR.

Mayroon din umanong malawak na ilog sa mga baranagy na iyon kaya nararapat lang na mabigyan sila ng mga kagamitan para mas mapalago pa ang kanilang hanapbuhay pangunahin na ang mga mangingisda sa lugar.  

--Ads--

Maliban sa bangka ay nabigyan din ang mga nasabing barangay ng fishing gear gaya ng lambat para mayroon silang magamit sa pangingisda.  

Hinihikayat nanan niya ang mga benepisyaryong barangay na bumuo ng asosasyon ng mga fisherfolks para ma-manage nila ng maayos ang paggamit sa bangka na ibinigay ng bfar.  

Samantala, ikinatuwa naman ng mga tatlong barangay ang natanggap nilang Fishing Gear at non-motorized fishing boat mula sa BFAR

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Punong Barangay Rubilyn Sagun, Punong Barangay ng Sinippil sinabi niya na malaking tulong para sa kanilang barangay ang bangka lalo na at marami ang mangigisda sa kanilang nasasakupan.

Sa ngayon ay pag-uusapan pa nila kung paano ang gagawin nilang scheduling sa paggamit ng bangka para matiyak na hindi magkaroon ng gulo sa paggamit nito.