--Ads--

CAUAYAN CITY – Kinilala bilang isa sa Pahilippine National Police (PNP) Juanas with good deeds sa bansa ang isang Non-uniformed Personnel sa Quirino Police Provincial Office.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan, sinabi ni Non-uniformed Personnel Janette Samiling-Ordinario na parang panaginip lang ito sa kanya at hindi pa rin siya makapaniwala dahil sa dami ng naglalaban-laban ay kabilang siya sa sampong napili.

Aniya, nainominate siya dahil sa project BBM o Barbero ng Bayan si Mamang Pulis at Manang Pulis ng Quirino Police Provincial Office.

Inilunsad ito noong ika-15 ng Agosto, 2023.

--Ads--

Ayon sa kanya, hindi lamang ito nakatuon sa serbisyong publiko ng mga pulis at sa mga katulad niyang Non-uniformed Personnel kundi layunin din nitong maipakita na ang mga pulis ay madali ring lapitan at laging handang sumuporta sa komunidad.

Nabuo rin ang proyektong ito para magsilbing tulay at maihatid ang serbisyo ng mga pulis lalong lalo na sa mga liblib na lugar.

Ang  project BBM ay binubuo ng mga sinanay na pulis at mga Non-uniformed Personnel sa paggugupit para makapagbigay ng libreng gupit.

Ayon pa kay Ordinario, labing walong taon na siya bilang Non-uniformed Personnel at hindi na lamang ito ang kanyang natanggap na award dahil naging regional awardee na rin siya.

Tinig ni on-uniformed Personnel Janette Samiling-Ordinario.