--Ads--

Naghain ng not-guilty plea si Venezuelan President Nicolas Maduro sa pagharap nito sa korte sa New York Southern District court.

Nahaharap ito sa mga kaso ng indictment kasama na ang narco-terrorism conspiracy and possession of machine guns and destructive devices.

Maging ang kaniyang asawa na si Cilia Flores ay kasabay din nitong naghain ng not guilty plea.

Kasama nila ang kanilang abogado na si attorney Barry Joel Pollack na siiyang tumayo rin legal representatives ni Wikileaks founder Julian Assange.

--Ads--

Iginiit ni Maduro na siya ay inosente, hindi guilty, disente at nananatiling pangulo pa rin ng kaniyang bansa.

Tinanong ito ng judge sa korte at sinabi niyang siya ang pangulo pa rin ng Venezuela na dinukot at ngayon ay prisoners of war.

Itinakda naman ang susunod na pagdinig sa kaso sa darating na Marso 17.

Naging mahigpit din ang ipinatupad na seguridad sa kapaligiran korte dahil dinagsa ito ng mga pro-Trump protesters.